Alamin ang mga sanhi at mga kahihinatnan ng underage drinking.

Sundan ang kuwento ng tatlong kabataan at suriin ang kanilang mga desisyon.

 

Manood, makipag-interact, matuto

Ang Smashed Online ay isang interactive experience na dinisenyo para tulungan ang mga kabataan na maging responsable sa mga desisyon nila patungkol sa alak. Maaaring makipag-interact ang mga mag-aaral sa mga tauhan, tulungan silang magdesisyon, at pag-isipan kung ‘yun din ba ang gagawin nila.

Paano ba ito gagawin?

Sa loob ng 60-90 minuto, manonood ang mga mag-aaral ng isang pelikula na may kasamang mga aktibidad na nagpapalago ng kaalaman, kamalayang pang-lipunan, at kasanayan sa pagdedesisyon kaugnay ng underage drinking. Maaaring aralin ito ng mag-aaral mag-isa o maaaring i-download ng guro ang facilitation guide para sa mga group sessions.

 

Paano ito magagamit ng mag-aaral?

Libre ang access nito. Ibahagi lang ang link ng Smashed Online sa mga mag-aaral para sila’y mag-rehistro. Hindi ito nangangailangan ng personal na impormasyon o mga contact details. Maaaring i-save ng mag-aaral ang kaniyang progress at balikan ulit anumang oras. Maraming video sa Smashed Online kaya pakiusapan ang mga mag-aaral na manatiling naka-connect sa internet hangga’t maaari.

 

Kunin ang gabay

Para sa mga group sessions, maaaring i-download ang facilitation guide dito.